5 MAGKAKAANAK, NALASON SA SEAFOODS

LAGUNA – Naospital ang limang magkakaanak matapos na umano ay malason sa kinaing seafoods na kanilang inorder sa isang ihaw-ihaw restaurant sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Ginagamot sa Laguna Medical Center ang mga biktimang sina Jaime Onglengco, 22; Renan Onglengco Ortiz Jr., 27; Jeanel Batain Onglengco, 40; Joel Batain Onglengco, 48, at Mary Rose Onglenco Ortiz, 28, pawang mga residente sa Capitol Ville Subdivision, Barangay Gatid.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas-3:00 ng hapon nang mag-order ang mga biktima ng isang platter ng seafoods sa ihaw-ihaw restaurant sa kanilang bayan at kanilang pinagsaluhan.

Ngunit makalipas lamang ilang oras, pawang nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang mga biktima at iba pang mga sintomas ng umano ay food poisoning.

Dakong alas-10:00 na ng gabi nang itakbo na ang mga ito sa ospital nang hindi na makayanan ang nararamdamang sakit.

Hinala ng mga ito, ang inorder nilang seafoods ang nakapagdulot ng kanilang karamdaman.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente at sinusuri kung ano naka-contaminate sa pagkain. (NILOU DEL CARMEN)

339

Related posts

Leave a Comment