5 MANILA AREA MAY DELTA VARIANT CASES

LIMA ang kumpirmadong may kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa limang lugar sa lungsod ng Maynila ngunit walang plano na magpatupad ng lockdown si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Iniulat na may tatlong linggo na umano ang nakararaan nang makumpirmang may Delta Variant sa iba’t ibang lugar sa Maynila

Ayon sa alkalde, makaraan ang impormasyon ay nagsagawa ng pulong ang metro mayors, Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang health authorities.

“Salamat sa Diyos at itong lima, as of today (July 24), mukhang ligtas na mayroon na lang kukumpirmahin but the content taken from them was confirmed by genome and sent kanina lang,” saad ng alkalde.

Ang limang lugar na tinukoy na may kumpirmadong kaso ng Delta variant ay ang Sampaloc, Parola, Gagalangin sa Tondo; Apacible sa Ermita at Taft Avenue.

Pinayuhan ng alkalde ang mga residente sa nasabing mga lugar na mahigpit na mag-ingat dahil laging may panganib na dala ang nasabing variant at kailangan din na maging responsable ang lahat.

“Paalala sa limang lugar ‘yan ang bagong case. Ligtas sila, ‘yung iba positive pero asymptomatic at sa awa ng Diyos, wala pang napaulat na bumaba ng CT (cycle threshold) value,” ayon pa sa alkalde. (RENE CRISOSTOMO)

106

Related posts

Leave a Comment