5-MINUTE RESPONSE SA ABERYA SA KALSADA TUTUTUKAN NG MMDA

PINALAKAS ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Metrobase 136 hotline upang mas mapabilis ang pagresponde sa mga insidente sa kalsada.

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, kapag tumawag sa (02) 136, ginagarantiyahan nilang sa loob ng limang minuto ay makararating na ang traffic enforcers saan mang bahagi ng Metro Manila.

“Five minutes, darating ang ating enforcer,” ani Torre.

Saklaw ng hotline ang mga minor na banggaan, gasgasan, at iba pang emergency sa kalsada.

Habang papunta ang enforcers, agad namang nire-review ng Metrobase sa Julia Vargas ang CCTV footage ng insidente. Kapag nasa lugar na ang enforcer, maaari nang ipadala ang video clip sa mga sangkot sa pamamagitan ng kanilang social media accounts gaya ng Viber, Messenger o Signal upang maayos agad ang sitwasyon at maitabi ang mga sasakyan sa loob ng 10 minuto.

Matagal na umanong umiiral ang 136 hotline ngunit hindi lamang masyadong nabibigyang-pansin.

“Within five rings may sasagot na human operator,” dagdag ni Torre.

(CHRISTIAN DALE)

1

Related posts

Leave a Comment