51 ospital na may fraud cases NAKINABANG SA P1.4-B SA IRM – DEFENSOR

BINIGYAN pa rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng pondong umaabot sa P1.49 bilyon sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ang 51 ospital kahit pa may mga kasong kinakaharap ang mga ito.

Ito ang isiniwalat ni House committee on public accounts chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.

Ayon kay Defensor, umaabot sa 4,664 kaso ang nakabinbin laban sa iba’t ibang ospital sa bansa kung saan 3,806 dito ay isinampa sa mga ito ng PhilHealth mula 2019 hanggang 2020.Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga health care provider ay padding of claims, claims for non-admitted or non-treated patiens, extending period of confinement, post-dating of claims, misrepresentation by furnishing false or incorrect information, unjustified admission beyond accredited bed capacity, unauthorized operations beyond service capability, fabrication or possession of fabricated forms and supporting documents, other fraudulent acts at criminal liabity.

Binanggit ni Defensor ang ilan sa mga pagamutang ito na kinabibilangan umano ng Capitol Medical Center, Cardinal Medical Center, St. Luke’s Medical Center, The Medical City, Marikina Valley Medical Center, Manila Doctors Hospital, Perpetual Succor Hospital & Maternity Inc., Angono Medical Center, Asian Renal Care Philippines, B. Braun Avitum Philippines Inc., Eastern Marikina Dialysis Center, Our Lady of Lourdes Hospital, St. Benedict Dialysis Center, Inc., Holy Trinity Medical Center, St. Louis Hospital sa Sultan Kudarat, Baguio Medical Center, FEU Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation, Inc. at iba pa.

“Itong 51 hospital na ito ay may fraud cases na binigyan ng IRM. Ang total po nito ay P1.49 billion. Ang pinagtataka ko, bakit hindi niresolved ang fraud cases bago nag-release ng IRM?,” ani Defensor.

Hindi pare-pareho ang pondong ni-release ng PhilHealth sa mga pagamutang ito subalit labis ang pagtataka ng mambabatas kung bakit binigyan pa rin ang mga ito ng advance funds gayung mayroon pa silang kasong kinakaharap.

“Kasi sa mata ng publiko, sa mata namin kung ganito po na may fraud cases na hospital o institusyon at bibigyan pa rin ng pondo ng PhilHealth nakakatakot po itong batayan, nakakatakot po itong ehemplo,” dagdag pa ng mambabatas.

Ang IRM ay pinondohan ng P27 billion na ibibigay ng advance sa mga HCP para magamit umano ng mga ito sa paggamot ng mga pasyente sa COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

187

Related posts

Leave a Comment