54K ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES SINIMULAN NANG IHATID

NASA 54,000 balikbayan boxes na nakapaloob sa 140 inabandonang container van, ang sinimulan nang ihatid ng Bureau of Customs (BOC).

Paliwanag ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, kabilang ang mga ito sa natenggang balikbayan boxes na ipinadala ng overseas Filipino workers (OFWs) na hindi natanggap ng kanilang pamilya rito sa Pilipinas matapos maloko ng logistic providers.

Ayon kay Comm. Nepomuceno, sa loob ng dalawang linggo, inaasahang makararating na sa pamilya ng OFW ang balikbayan boxes.

Ito ay matapos na sagutin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang gastos sa pagde-deliver nito para tuluyan nang makarating sa pamilya ng mga OFW ang kanila ang balikbayan boxes.

Sinabi naman ni Finance Sec. Frederick Go, hindi nila hahayaang mauwi sa wala ang bawat balikbayan na pinaghirapan ng mga OFW para sa kanilang pamilya.

Kaugnay nito, sinimulan na ng BOC ang paghahain ng kasong large scale estafa sa 11 logistic providers na hindi tinupad ang kanilang obligasyon.

Ito’y dahil hindi sila nagbabayad ng tamang buwis kaya’t hindi nakarating ang mga balikbayan box sa mga kaanak ng OFW.

Pinangunahan mismo ni Finance Secretary Frederick D. Go ang distribution ng unang batch ng huling bugso ng abandoned balikbayan boxes sa Port of Manila.

“We heard your pleas, and the President has approved the door-to-door delivery of all your boxes. Ang ibig sabihin po nito ay matatanggap nang walang dagdag gastos ang inyong mga padala, diretso sa bahay mismo ng inyong mga mahal sa buhay,” ani Secretary Go.

(JESSE RUIZ)

4

Related posts

Leave a Comment