6 BAYAN SA BATANGAS COVID-FREE NA

BATANGAS-Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa anim na bayan sa lalawigang ito batay sa huling ulat ng Batangas Provincial Health Office noong Linggo, Enero 3, 2021.

Ang mga bayan ng Agoncillo, Sta. Teresita, Tingloy, San Nicolas, Taal at Tuy ay wala nang aktibong kaso ng corona virus.

Gayunman, sa Batangas City, Tanauan City, Lipa City, San Jose, San Pascual, Bauan, Ibaan, Padre Garcia, Rosario, Balayan, Calaca at Sto. Tomas City ay mataas pa rin ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa huling datos ng PHO, umabot na sa 10,821 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa 11,627 kumpirmadong kaso sa lalawigan, 343 naman ang naitalang nasawi at nananatiling 463 ang aktibong kaso sa buong lalawigan.

Ang Batangas ay mananatiling nasa ilalim ng general community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero ngayong taon. (CYRILL QUILO)

87

Related posts

Leave a Comment