“IT is not the winning of many battles but on how to subdue your enemies without having to fight with them that matters most,” ito ang pahayag ni Zambales Provincial Director, Col. Romano V. Cardiño matapos na kusang loob na sumuko noong Miyerkoles ang isang mag-asawa at apat pang kasapi ng communist terrorist group.
“To concede for a greater cause is an act of bravery,” pahayag pa ni Col. Cardiño sa pagsuko ng mag-asawang kapwa kasapi ng CTG na kinilalang sina Rico Calaje Naval alyas “James,” magsasaka, isang indigenous people (IP) mula Sitio Itanglew, Brgy. San Rafael, San Marcelino, Zambales, kasapi ng Militiang Bayan sa pamumuno ng Kilusang Larangang Gerilya West Lino Bias Command, at asawa nitong si Raymunda Villa Pamilyang alyas “Josie,” in-active member ng Militiang Bayan, non-PSRTG.
Ang dalawa ay sumuko sa Headquarters ng 1st Provincial Mobile Force Company, Zambales Provincial Office sa Brgy. Malimanga, Candelaria, Zambales.
Ito ay makaraang makumbinsi silang magbalik-loob sa pamahalaan ng 1st PMFC, CIDT-Zambales, PIT/ PIU-Zambales, Masinloc MPS, MARPSTA Zambales, 2nd PMFC ZPPO, 305tg MC RMFB3, 23rd SAC-SAF, 72MICO, 71MICO 7MIB 7ID PA, RIU3 at NCIP.
Kapwa nagsilbi bilang logistic officer ang mag-asawa at sangkot sa malversation ng relief goods para sa mga komunidad at idini diretso sa mga kasamahang NPA sa kabundukan na naghahanda para sa gagawing opensibang gerilya ng mga rebelde sa mga kanayunan.
Sumunod na sumuko ang tatlong miyembro ng Militiang Bayan CLAA na kinilalang sina Hizon Baclay y Canduli alyas “Bagis,” Roger Lacson y Cosmetic alyas “Nacional,” non-PSRTG, at Ricky Soria Buted alyas “Alaxan,” non-PSRTG.
Ang tatlo ay sumuko sa Headquarters ng 1st Provincial Mobile Force Company, Zambales Provincial Office sa Brgy. Malimanga, Candelaria, Zambales, sa pakikipag-ugnayan sa 1st Police Mobile Force Company, Criminal Intelligence and Detection Team–Zambales, PIU Zambales, Sta. Cruz MPS, Candelaria MPS, Palauig MPs, Iba MPS, Botolan MPS, Castillejos MPS, San Antonio MPS, San Marcelino MPS, 2nd PMFC ZPPO, 305th MC RMFB3, 23rd SAC-SAF, 72MICO, 71MICO 7MIB 7ID PA, RIU3 PIT Zambales at at NCIP.
Nabatid na inilatag ni Cardiño ang pagsuko ng tatlo sa pamamagitan ng Zambales Provincial Intelligence Unit at military unit.
Nagsilbing courier ng Pwersang Masa at PASABILIS ang tatlo sa ilalim ng KLG West Lino Bias Command.
Sumuko rin ang isa pang miyembro ng Militiang bayan na kinilalang si Danny Naval Cosme, ng Brgy. San Rafael, San Marcelino, Zambales, na isang in-active CTG member at non-PSRTG listed.
Nakumbinsi si Cosme ng mga elemento ng Iba MPS, 1st PMFC, PIU ZPPO, CIDT-Zambales, PIT BAT-ZAM-RIU3, 23rd SAC-SAF, 72MICO, 71MICO 7MIB 7ID PA, at NCIP na samantalahin ang alok ng gobyerno na pagbabagong buhay.
Nabatid na nakumbinsi ang dating rebelde matapos na naunang sumuko ang kapatid nitong si Rico Naval alyas “James” at ang asawa nitong si Raymunda.
Sangkot ito sa serye ng pananalakay at pananambang sa ilalim ng pamumuno ng kanilang commander na si “Ka Ivar,” isang CTG personality, na siyang nag-recruit sa kanya at sa iba pang mga miyembro ng kanilang tribu. (JESSE KABEL)
