6-DAY GUN BAN SA METRO MANILA UMIIRAL NA

SINIMULAN na ang pagpapatupad ng gun ban nitong Lunes hanggang Hulyo 2 , 2022, para sa seguridad ng panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum sa Padre Burgos St., Ermita, Manila sa Hunyo 30.

Ayon sa direktiba ni Manila Police District Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, pag-iibayuhin ng pulisya ang kampanya laban sa posibleng maghahasik ng kaguluhan.

Ang mga may ‘permit to carry’ ng armas ay hindi muna papayagan na magdala ng kanilang baril.

Nabatid mula kay P/Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office ng MPD, inabisuhan na nila ang buong pulisya mula sa Station 1 hanggang sa Station 14 para sa seguridad ng uupong sa ika-17 pangulo ng bansa.

Plantsado na umano ang security plan ng buong pulisya ng MPD, kaagapay ang puwersa ng National Capital Region Police Office , mga tauhan ng Philippine Army Intelligence, Philippine Coast Guard at ilan pang sangay ng pamahalaang lokal at mga tauhan ng NBI, maging ang puwersa ng pamahalaang nasyonal. (RENE CRISOSTOMO)

297

Related posts

Leave a Comment