6 DINAMPOT SA SUGAL SA MALABON

NADAKIP ang anim na sugarol, kabilang ang limang babae sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joan Frejoles, 24; Dina Frejoles, 27, sewer; Teresita Hiraban, 59; Rosemarie Montes, 21; Elizabeth Hiraban-Frejoles, 60, sewer, at Rafael Roque, 25-anyos.

Ayon sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap si P/SSgt. Mitchum Caoy ng Station Intelligence Section (SIS), ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa illegal gambling activities sa 9A Mabini St., Brgy. Concepcion.

Kaagad bumuo ng team ang mga tauhan ng SIS, sa pangunguna ni P/Lt. Joseph Alcazar, at Sub-Station 6, sa pamumuno ni P/Lt. Manny Ric Delos Angeles, at nagsagawa ng joint operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang set ng playing cards/baraha at P1,040 bet money. (FRANCIS SORIANO)

215

Related posts

Leave a Comment