INAASAHAN na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na suspendihin o bawasan ang excise tax sa fuel.
Ayon sa Pangulo, target niyang mapirmahan ang panukala sa loob ng araw bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.
Layunin ng panukala na payagan ang Pangulo na i-adjust ang fuel excise taxes upang mapagaan ang bigat ng mataas na pump prices sa mga konsyumer.
Kasabay nito, ipinatutupad na ng pamahalaan ang fuel subsidies para sa mga transport operator, magsasaka, at mangingisda.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Marcos ang State of National Energy Emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110, kasama ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) upang suportahan ang mga apektadong sektor at tiyakin ang katatagan ng suplay ng enerhiya sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
78 