PBBM: ‘ENERGY EMERGENCY’ HINDI PANGKALAHATAN

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang idineklarang State of Energy Emergency ay hindi isang pangkalahatang national emergency kundi nakatuon lamang sa sektor ng enerhiya.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang ay isang “very specific and precise” na tugon sa banta sa suplay at presyo ng enerhiya dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ipinaliwanag niya na ang sitwasyon sa Strait of Hormuz—na dinadaanan ng malaking bahagi ng global oil supply—ay may direktang epekto sa Pilipinas na umaasa sa imported na langis.

Dagdag ng Malacañang, nagsisilbing “precautionary tool” ang deklarasyon upang magamit ng pamahalaan ang iba’t ibang mekanismo tulad ng fuel subsidies at iba pang hakbang para matiyak ang sapat na suplay ng enerhiya.

(CHRISTIAN DALE)

85

Related posts

Leave a Comment