RIZAL – Swak sa kulungan ang anim na high value individual (HVIs) makaraang makumpiskahan ang mga ito ang 170 grams ng ilegal na droga sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat ni P/Major Joel Custodio, hepe Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga arestado na sina Mukarsa Majindie, Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi at Jerome Lim, pawang mga nakatira sa Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.
Dakong alas-1:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek sa Almaje St. sa nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 20 sachet ng 170 grams ng umano’y shabu na tinatayang P1,156,000 ang halaga, buy-bust money, at drug paraphernalia. (ENOCK ECHAGUE)
259 