ANIM na katao, kabilang ang apat na babae, ang dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District makaraang makumpiskahan ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila.
Kinilala ang mga arestado na sina Maria Luz y Eisma, 42; Eric Dela Cruz y Campaner, 42; Rona Baclayo y Royo, 42; Laila Sultan y Edress, 27; Asliah Abdullatip y Maralit, 30, at Asnawie Usman y Batalo, 24-anyos.
Batay sa ulat ni P/Lt. Joan Dorado, hepe ng Station Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit, kay P/Lt. Col. Harry Lorenzo III, station commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:20 ng hapon noong Huwebes nang isagawa ang buy-bust operation sa isang iskinita sa Almeda St., malapit sa Jose Abad Santos Avenue sa Tondo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng pitong sachet ng umano’y shabu.
Nakuha rin sa mga suspek ang apat pang sachet ng umano’u shabu na umabot sa 200 gramo ang timbang na tinatayang P1,360,000 ang street value. (RENE CRISOSTOMO)
