6 NALAMBAT SA DROGA SA MAYNILA

ANIM na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga awtoridad sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District sa Malate at sa Quiapo, Manila.

Unang naglatag ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Malate Police Station 9 sa Taft Avenue, malapit sa Castro Street sa Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, bandang alas-9:40 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Unit (SDEU), sa mismong target ng operasyon na si alyas “Topeng”, 29, binata, jobless, at dalawang parukyano na sina alyas “Reginalad”, 36, parking boy, at alyas “Christopher”, 24, painter, na kasamang dinakip ng mga awtoridad.

Samantala, nagkasa rin ang mga tauhan ni Police Lieutenant Roberto Mupas, commander ng MPD-Barbosa Police Station 14, sa pangunguna ni Police Major Gil John Lobaton, SDEU chief, ng operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Mupas, bandang alas-9:50 ng gabi, nang ilatag ng kanyang mga tauhan ang operasyon sa target na si Glen Herrero, 24, binata, ngunit natimbog din ang umano’y dalawang kasabwat nito na sina alyas “John”, 22, at isang babae na si alyas “Mariam”, 50-anyos, sa

Fraternal Street sa Quiapo, Manila.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (RENE CRISOSTOMO)

335

Related posts

Leave a Comment