6 NALAMBAT SA TUPADA SA VALENZUELA

ANIM na sabungero ang nasakote matapos salakayin ng pulisya ang isang tupadahan sa Valenzuela City.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) head, P/LT. Col. Jay Dimaandal ang mga arestado na sina Michael Juguilon, 37; Valentin Nicolas, 69; Melchor Torrefiel, Jaime Padua, Alvin Lopez, 47, at Jun Ramos, 32-anyos.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Dimaandal kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na tupada sa Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU, sa pangunguna ni P/Lt. Glenn Mark De Vella, saka sinalakay ang naturang lugar dakong alas-10:30 ng umaga noong Biyernes na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Ayon kay DSOU investigator P/MSgt. Julius Mabasa, nakumpiska ng mga operatiba sa lugar ang isang buhay na panabong na manok na may tari, isang patay na panabong na manok na may tari at P8,950 bet money. (FRANCIS SORIANO)

293

Related posts

Leave a Comment