6 PATAY SA COVID-19 SA NAVOTAS, VALENZUELA

NAKAPAGTALA ng tatlong namatay sa COVID-19 ang Navotas City habang tatlo rin ang binawian ng buhay sa nasabing sakit sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng health offices ng nabanggit na mga lungsod.

Bunsod nito, umakyat sa 444 COVID ang death toll sa Navotas City, habang 1,765 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Agosto 31 matapos na 88 ang makarekober at 158 naman ang nagpositibo sa virus.  Pumalo na sa 14,833 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at 12,264 na sa kanila ang gumaling.

Pumanhik naman sa 639 ang pandemic fatalities ng Valenzuela City hanggang 8 pm noong Setyembre 1 at 1,645 ang active COVID cases matapos na 164 ang nagpositibo sa virus at 46 lamang ang gumaling.  Umabot na sa 27,337 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 25,053 na ang gumaling.

Walang naitalang namatay sa Malabon City dahil sa COVID noong Setyembre 1, ngunit 129 ang nadagdag na confirmed cases.  Sa kabuuan ay 17,354 ang positive cases sa Malabon, 1,067 dito ang active cases, at nanatili sa 552 ang COVID death toll. Umabot naman sa 75 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 15,735 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

153

Related posts

Leave a Comment