ANIM ang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City at isa naman sa Caloocan City noong Hunyo 3.
Pumalo na sa 19,384 ang confirmed cases sa Valenzuela at sa nasabing bilang ay 18,952 na ang gumaling, 501 ang namatay at 381 naman ang active cases matapos na 26 ang bagong nagpositibo at 83 ang bagong gumaling.
Isa naman ang patay sa Caloocan City at 909 ang active cases. Sumampa na sa 33,125 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 31,255 na ang gumaling at 961 ang namatay.
Walang iniulat na namatay dahil sa pandemya sa Malabon City at nanatiling 441 ang COVID death toll sa lungsod. Dalawampu’t dalawa naman ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 13,155 ang positive cases sa siyudad, 161 dito ang active cases.
Habang 18 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at 12,553 na ang recovered patients ng Malabon.
Nanatili sa bilang na 359 ang pandemic fatalities ng Navotas City, habang 103 ang active cases sa lungsod matapos na siyam ang nagpositibo at 11 ang gumaling.
Umakyat na sa 10,857 ang nasapul ng pandemya sa siyudad at sa bilang na ito ay 10,395 na ang mga gumaling. (ALAIN AJERO)
182
