60 BAHAY SA MAGUINDANAO, NI-LOCKDOWN

MAGUINDANAO – Naka-temporary lockdown ngayon ang mahigit 60 bahay sa Southern Philippines Development Authority o SPDA Village sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Marami kasi sa mga nakatira sa 4th road ay nagpositibo sa COVID-19.

Upang mapigilan ang pagkalat ng virus, ipinasya ni Mayor Cheryl Mary Rose Ann Sinsuat at ng municipal IATF ang lockdown.

Namimigay naman ng ayuda ang LGU sa mga apektadong pamilya. Ang lockdown ay tatagal hangang June 9.

Isang residente sa 4th road ng SPDA Village ang nasawi matapos magpositibo sa Covid. Agad isinagawa ang contact tracing at swab test kung saan marami ang lumabas na positive sa virus.

Hiniling naman ni town administrator Israel Sinsuat sa lahat na makipagtulungan sa mga otoridad para labanan ang virus. (BONG PAULO)

143

Related posts

Leave a Comment