TUMATAGINTING na P408 milyong halaga ng umano’y ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba sa pinagsanib na operasyon sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan noong Miyerkoles ng umaga.
Arestado sa nasabing anti-illegal drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang suspek na kinilala sa pangalang Jalon Supe Laureta mula sa Bacoor, Cavite.
Sa datos ng PDEA, lumalabas na isa sa pinakamalaking personalidad ang nadakip na suspek na anila’y nasa likod ng malawakang pagpapalaganap ng ilegal na droga sa Central Luzon, kabilang ang lalawigan ng Bulacan.
Sa paunang ulat kaugnay ng operasyon, umabot sa 60 kilong shabu
na nakakubli sa pakete ng tsaa ang nasamsam mula sa suspek na agad sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Bukod sa droga, narekober din sa pag-iingat ng suspek ang isang Toyota Altis na gamit ni Laureta sa pagde-deliver ng ilegal na kontrabando, dalawang telepono, talaan ng mga parokyano ang iba’t ibang ID.
Bago pa man ang nasabing drug-bust, tatlong magkakahiwalay na operasyon ang matagumpay na naisagawa ng PDEA sa Cavite, Muntinlupa City at Quezon City kung saan kumpiskado ang hindi bababa sa P23.5 milyong halaga ng ilegal na droga. (JESSE KABEL)
247
