IBINUNYAG ni Senador Win Gatchalian na nasa 60,000 poste ang nakaharang sa iba’t ibang kalsada sa bansa sa kabila ng paglalaan ng pondo para alisin ang mga ito sa mga nakalipas na taon.
Sa plenary discussion ng Senado sa panukalang budget ng Deparment of Public Works and Highways para sa susunod na taon, nasa P3.7 bilyon ang kailangan upang tuluyang matanggal ang 59,640 na poste.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na alinsunod sa batas, ang mga poste ay dapat na-relocate na hanggang noong isang taon batay na rin sa pondong inilaan mula 2017.
“Where are the funds? The basic question is where are the funds, Mr. President,” saad ni Gatchalian.
Tiniyak naman ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara, sponsor ng DPWH budget na nakalaan ang pondo na abot sa P3.5 billion para sa relokasyon ng mga poste.
“Due to the pandemic, the planned continuation of remaining electric poles were delayed by quarantine and calamities,” pahayag ni Angara.
“As long as the electric cooperatives comply with the requirements, they (DPWH) are very confident that they could clear it by next year,” dagdag pa ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)
175 