62 ARMAS, SHABU HULI SA CHECKPOINT

NAGBUNGA ang tiyaga ng mga nagmamantina ng AFP-PNP checkpoint operation ng Task Force Davao (TFD) katuwang ang Davao City Police Office (DCPO), nang masabat ang 62 piraso ng unlicensed firearms at ilegal na droga na P48,000 ang halaga mula sa dalawang nadakip na biyahero na nasita sa Lacson checkpoint sa Calinan, Davao City.

“This big catch in Davao City is a clear manifestation of 10th Infantry Division’s commitment to help provide lasting peace and order in the region. Indeed, our troops are committed and skillful in the performance of their duties. And for the peace-spoilers, you have no room in the area of 10ID,” ani MGen. Torres.

Naaresto ng mga awtoridad sa Davao City noong Sabado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga armas at ilegal na droga sa nasabing checkpoint.

Ayon sa isinumiteng ulat kay MGen. Torres, naharang ng Task Force Davao sa checkpoint sa Calinan ang mga suspek na kinilalang sina Michael John Burias Lantoria, 40, at Sebastian S. Quiblat, 61, habang sakay ng puting Mitsubishi Strada pick-up (KAA 7618) na patungong Calinan.

Unang nakumpiska sa mga suspek ang isang 9mm pistol, isang 380 pistol, isang magazine at pitong bala.

Ngunit nang siyasatin ang sasakyan, tumambad sa mga pulis at sundalo ang 43 piraso ng 9mm pistol, 18 piraso ng 12-gauge shotguns, isang 380 pistol at assorted magazines and ammunition.

Sinasabing pagmamay-ari ang mga ito ng Dephian Security Agency at papunta sa General Santos City nang maharang ng mga awtoridad dahil walang dalang travel authority o permit to transport ng mga armas ang dalawang lalaki.

Bukod sa mga armas, nasamsam din sa mga suspek ang limang pakete ng umano’y shabu na P48,000 ang halaga.

Nasa kustodiya na ng Calinan Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (JESSE KABEL)

100

Related posts

Leave a Comment