63-ANYOS DEDBOL SA CUSTOMS EMPLOYEE

BATANGAS – Namatay ang isang 63-anyos na lola nang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Batangas City.

Ayon sa imbestigador ng Batangas City na si P/SMS. Doni Irvin Casayuran, kinilala ang biktimang si Emelia Florez, biyuda, nakatira sa Relocation Site ng Brgy. Balete.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver na nakabundol na si Arcanghel Magpantay, 40-anyos, empleyado ng Bureau of Customs at residente ng Brgy. Dita, Cuenca, Batangas.

Base sa mga nakasaksi sa pangyayari, tumatawid si Florez sa highway ng Brgy. Balete nang biglang salpukin ng paparating na motorsiklo ni Magpantay bandang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo.

Agad namang itinakbo sa United Doctors of St. Camillus de Lellis Hospital ang biktima ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. (CYRILL QUILO)

156

Related posts

Leave a Comment