635 HEALTH WORKERS SA DAVAO REGION TINAMAAN NG COVID-19

DAVAO City – Aabot na sa 635 ang health care workers (HCWs) sa buong Davao Region, ang dinapuan ng COVID-19 simula nang tumama ang pandemya noong Marso.

Sa inilabas na datos ng Department of Health-Davao Region (DOH-Davao) nitong Biyernes, hanggang Oktubre 19, umabot na sa 635 ang infected HCWs, 496 ang naka-recover at nasa 135 ang patuloy na nagpapagaling.

Habang nakapagtala ng apat na HCWs na namatay sa nasabing sakit.

Ayon sa kagawaran, halos mga nurses ang dinapuan ng COVID-19, sa 164 kaso at dalawa sa kanila ang namatay.

Sinundan ito ng mga doktor na aabot sa 94, nurse attendants, 56; medical technologist, 35, at iba pang HCWs, 59, ngunit wala namang namatay sa mga ito.

Nakapagtala rin ang DOH-Davao ng 63 non-medical staff na tinamaan ng coronavirus.

Dalawa sa kanila ang namatay at naitala ang highest case fatality rate na 3.2 percent, kung ikukumpara sa 1.2 percent case fatality rate sa tinamaang nurses.

Dagdag sa datos ang 160 non-medical HCWs at frontliners na infected ng virus ngunit wala namang namatay.

Hindi na nagbigay ng breakdown ang DOH-Davao sa bawat COVID-19 designated hospital. (DONDON DINOY)

119

Related posts

Leave a Comment