65-ANYOS NA BOTANTE SA ALBAY, NAMATAY MATAPOS BUMOTO

PATAY ang isang 65-anyos na senior citizen matapos bumoto sa halalan nitong Lunes, ayon sa ulat Philippine National Police (PNP).

Kinilala ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang namatay na si Nestor Rensales, nawalan ng malay bandang alas-6:05 ng umaga matapos bumoto sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, si Rensales ay inatake sa puso at agad nilapatan ng paunang lunas ng medical personnel ng Commission on Elections (Comelec) sa lugar.

Agad isinugod ang biktima sa isang provincial hospital sa Ligao City, ngunit kalaunan ay idineklarang dead on arrival.

Magugunitang inanunsyo ng Comelec ang maagang pagboto para sa mga senior citizen, PWDs, at buntis.

Gayunman, ilang botante ang nagreklamo sa matinding init sa kanilang mga presinto.

72

Related posts

Leave a Comment