7 ARMADO NASABAT SA QUIAPO

BLANGKO pa ang Manila Police District sa pakay ng pitong indibidwal na nasita makaraang madiskubre sa kanilang sasakyan ang matataas na kalibre ng baril habang nakaparada sa Quiapo, Manila, kamakailan.

Ang mga suspek na sina Policarpio Magbanwa Jr., 48; Mark Abion, 37; Arnel Poso, 44; Alex Aniñon, 45; Marlou Sanghilan, 37; Leonardo Aguilar, 37 at Elmer Gawat, 38, ay nasukol bandang 12:58 ng tanghali nitong nakaraang Oktubre 5 habang lulan ng tatlong sasakyan na nakaparada sa panulukan ng Rizal Avenue at Carriedo, Quiapo, base sa ulat kay P/Lt. Col. John Guiagui, Station Commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3.

Sa inisyal na ulat ni P/Cpl. Neil Patrick Galiza, nagpapatrulya sina Pat. Kristoffer Abante at Pat. Cale, nakatalaga sa Plaza Miranda PCP nang maispatan ang tatlong sasakyan na pawang walang plaka at nagdudulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko.

Nang usisain ay natuklasan ang pitong kalibre .45, magazines at 85 piraso ng bala sa sasakyan ng grupo.

Kusa namang sumuko ang mga suspek nang sitahin ng mga tauhan ng MPD at Highway Patrol Group. (RENE CRISOSTOMO)

236

Related posts

Leave a Comment