7 BIFF MEMBERS PATAY SA SAGUPAAN

PITONG kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction ang napatay sa isinagawang joint law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Damawato, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, commander ng Joint Task Force Central, naglunsad ng law enforcement operation ang kanyang mga tauhan na armado ng Search Warrants No. 01-2023 at 02-2023 kaugnay sa paglabag sa RA 10591.

Target ng operasyon sina Nasser Yussef Hussain, a.k.a. Tutin Usop, at Nurjihad Husain, a.k.a. Datdat Usop.

Subalit bago pa makadikit ang mga sundalo sa pinagtataguan ng kanilang pakay ay sinalubong na sila ng sunod-sunod na putok ng grupo ng BIFF na agad na ikinasugat ng isang police personnel.Bunsod nito, napilitang gumanti ng putok ang mga tropa ng pamahalaan na nagresulta sa kamatayan ng pitong kasapi ng teroristang grupo kabilang ang dalawang pakay ng arrest warrant.

(JESSE KABEL RUIZ)

229

Related posts

Leave a Comment