7 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

NAKAPAGTALA ng pitong namatay dahil sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 29 habang umabot sa 224 ang bagong kaso ng nasabing sakit.

Mula 1,119 noong Hulyo 26, umakyat sa 1,123 ang total deaths sa Caloocan City, habang 487 na ang active cases matapos na 51 ang mahawaan. Pumalo na sa 39, 574 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 37,964 na ang gumaling.

Dalawa namang COVID patients ang binawian ng buhay sa Valenzuela City sa nasabing araw kaya’t umakyat na sa 561 ang pandemic fatalities ng lungsod, habang 442 na ang active cases matapos na 67 ang magpositibo sa virus at 52 naman ang gumaling. Sumampa na sa 21,707 ang confirmed cases sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 20,704 na ang nakarekober.

Pumanhik naman sa 462 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na isang pasyente ang mamatay. Habang 41 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 14,081 na ang positive cases sa Malabon, 357 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (11), Bayan-bayanan (5), Catmon (2), Concepcion (1), Hulong Duhat (6), Longos (1), Potrero (7), San Agustin (4), Santulan (1), Tinajeros (1), at Tonsuya (2).

Umabot naman sa 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (2), Bayan-bayanan (3), Catmon (2), Longos (10), at San Agustin (3). Sa kabuuan ay 13,262 ang recovered patients ng siyudad.

Umabot nasa 314 ang active cases sa Navotas City matapos na 65 ang nagpositibo sa virus at tatlo lamang ang gumaling. Umakyat na sa 11,505 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at sa naturang bilang ay 10,811 na ang nakarekober at hindi naman nadagdagan ang 380 na bilang ng mga namatay. (ALAIN AJERO)

119

Related posts

Leave a Comment