7 PATAY, 17 SUGATAN SA MINI DUMP TRUCK NA NAWALAN NG PRENO

IDINEKLARANG dead on arrival ang limang pasahero ng mini dump truck na nawalan ng preno nitong alas-09:00 ng umaga ng Biyernes sa Silay City, Negros Occidental.

Ayon kay Silay City Police Station, PLt. Col. Mark Anthony Darroca, minamaneho ni Hernane Masa, 53-anyos ang mini dump truck ng Silay Government nang mangyari ang aksidente.

Sa ulat, galing sa tree planting sa Sitio Lantawan ang mga biktima at pagsapit sa Brgy. Guimbalaon ay tumagilid ang kanilang sinasakyan.

Para hindi mahulog sa bangin ay minarapat ni Masa na ibangga sa isang concrete barrier ang dump truck dahilan ng pagtagilid nito kaya ilan sa mga sakay ay nadaganan.

Napag-alaman na pawang empleyado ng Silay City Government ang mga biktima.

(TOTO NABAJA)

28

Related posts

Leave a Comment