7 STAFF NI REP. DUTERTE SABAY-SABAY NAG-RESIGN

HINDI umano apektado ang operasyon ng opisina ni Presidential son at Deputy Speaker Paulo “Pulong” Duterte matapos mag-resign nang sabay-sabay ang kanyang pitong staff sa Kamara kabilang ang kanyang Chief of Staff (COS).

Kinumpirma ni Duterte na nag-resign ang kanyang COS na si Atty. Sherwin Castañeda at anim nitong staff na sina Denver Chua, Supervising Legislative Staff Officer; Legislative Officer II Editha

Vitto, Legislative Staff Assistant II Ava Dominique De Leon, Political Affairs Assistant III Emily Baylon, Political Affairs Assistant II Gilmarc Caasi at  Rex Barcenas na isang consultant.

Ang pagre-resign ni Castañeda na sinundan ng kanyang mga kasama ay kasunod ng mungkahi ni House committee on appropriation chairman at ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na siyang nagdala sa abogado para magsilbing COS ni Duterte.

“Pinag-resign ko siya after receiving complaints sa patakbo ng office ni DS Pulong. It’s only right to ask for his resignation kasi ako rin naman ang nagpasok sa kanya diyan,” ani Yap sa isang panayam.

Hindi na idinetalye ang mga reklamong natanggap nina Yap  at Duterte sa pagpapatakbo ni Castañeda sa tanggapan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castañeda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” ayon kay Duterte.

(BERNARD TAGUINOD)

257

Related posts

Leave a Comment