APAT ang binawian ng buhay sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas at 457 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 2 matapos na siyam ang nahawaan at 42 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 17,262 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 16,275 na ang gumaling at 530 ang namatay.
Tatlong pasyente naman ang iginupo ng pandemya sa Malabon City, habang 34 ang nadagdag na confirmed cases noong Oktubre 3. Sa kabuuan ay 20,634 ang positive cases sa Malabon, 388 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 41 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 19,619 ang recovered patients ng siyudad, habang pumanhik sa 627 ang COVID casualties. (ALAIN AJERO)
110
