78 OSPITAL NG GOBYERNO, IN-UPGRADE NG SENADO

INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang pitong hospital bills ni Senador

Christopher Lawrence “Bong” Go upang paunlarin ang hospital care at serbisyo sa iba’t ibang

pasilidad ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Go, chair ng Senate Committee on Health na isinulong niya ang mga nasabing

panukala dahil nakita nito ang pangangailangan na dapat nang maisaayos ang mga pasilidad-

pangkalusugan sa bansa.
Ayon kay Go, lalo itong kailangan sa panahon ngayon na may kinakaharap na hamon ang mga

Filipino laban sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Kinabibilangan ito ng House Bill 2444 na layong magtayo ng Bicol Women’s and Children’s Hospital

sa Pamplona, Camarines Sur at ang HB 6218 na magpapalawak sa serbisyo ng Malita District

Hospital na tatawagin nang Malita Women’s and Children’s Wellness Center sa Malita, Davao

Occidental.
Ang lima pang bills na pumasa sa ikatlong pagbasa sa Senado ay may layunin na madagdagan ang

bed capacity, palakasin ang healthcare services at ang pagdaragdag ng medical personnel.
Kinabibilangan ito ng HB 6035 o pagdaragdag ng bed capacity ng Western Visayas Medical Center

sa Mandurriao, Iloilo City.
Sa kanyang SB 1259 o “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020”, nais ni Go na makapagpatayo

ang pamahalaan ng quarantine facilities sa bawat rehiyon na madaling mapuntahan o accessible sa

DOH hospital. (ESTONG REYES)

134

Related posts

Leave a Comment