780% DAGDAG SINGIL NG MAYNILAD, MANILA WATER, NAKAAMBA

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGYARI na ang kinatatakutan ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  na ipapasa lang ng mga water concessionaires sa kanilang mga customers ang multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act.

Ayon kina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Neri Colmenares, nagbabalak ang Manila Water at Maynilad na magpatupad ng 780% increase sa singil sa tubig dahil sa multang ipinataw sa kanila ng Korte Suprema.

“They were the ones who violated the law yet they have the temerity to pass the fine to long suffering consumers. Sumosobra na talaga sila! This is the height of corporate impunity, insolence and greed,” pahayag ni Zarate.

Magugunita na pinatawan ng Korte Suprema ng tig-P921 Million na multa ang Manila Waters at Maynilad dahil sa kanilang kabiguan na magtayo ng “sewage lines” na isang paglabag sa nasabing batas.

Gayunpaman, imbes na solohin umano ng Manila Waters at Maynilad ang multang ito ay nais nilang ipasa ito sa kanilang mga consumers kaya nagbabalak ang mga ito na magtaas na singil.

Ayon naman kay Colmenares, dapat tutulan ng mga consumers ang bagay na ito dahil wala silang kasalanan kung bakit bigo ang dalawang nabanggit na kumpanya ng tubig na magtayo ng kanilang sewage lines.

“We will do all we can to stop this humongous water rate hike and at the same time make the water concessionaires accountable for their neglect of the environment,” pahayag ni Colemanres.

“Marami sa atin ngayon ay wala pa palang maayos na sewerage system, kaya poso negro lang tayo. Trabaho dapat ng concessionaires na ayusin ito pero di nila ginawa matapos ng maraming taon. Di makatarungan na ipasa sa atin ang singil sa kapalpakan nila,” ayon pa sa chair ng Bayan Muna.

155

Related posts

Leave a Comment