WALONG indibidwal ang isinadlak sa selda ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, makaraang madiskubre ang ilegal na online sabong sa loob mismo ng Asuncion Public Market sa Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.
Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) na inamiyendahan sa Republic Act 9287.
Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang alas-11:00 ng gabi nang salakayin nila ang loob ng palengke sa panulukan ng Asuncion at Zaragoza Streets sa Barangay 1, Zone 1 sa Tondo.
Isang alyas “Jayvee”, 21-anyos na operator ng sabong, ang kabilang sa mga natimbog at ang iba’y tumataya sa nasabing sugal.
Nakumpiska bilang ebidensiya ang P1,930 cash na may iba’t ibang denominations. (RENE CRISOSTOMO)
