KASADO na ang pinakaunang national volleyball league ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na Champions League.
Katunayan, walong koponan ang magtatagisan sa liga na nakatakda sa Nobyembre 24-30 sa Lipa City, Batangas.
Kabilang sa walong teams na magpapartisipa sa Champions League ang Dasmariñas City Monarchs Men’s Team, na nag-courtesy call kahapon kay Mayor Jenny Austria-Barzaga.
“Let us help in reviving the struggling sports industry” pahayag ng Dasmariñas City mayor, na pangunahing supporter ng nasabing koponan.
Ang iba pang kalahok sa PNVF Champions League ay Go For Gold, Philippine Navy, Mindanao, Degamo Spikers (Negros Oriental), VNS, Bayawan City at MRT Negros. (ANN ENCARNACION)
