8 TIMBOG SA DRUG DEN SA ROXAS CITY

ROXAS CITY – Walong drug personalities ang nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong matapos madakip sa sinalakay na drug den na giniba ng mga operatiba ng PDEA Capiz Provincial Office at PNP RIU-PIT Capiz sa Sitio Cassandra, Barangay Punta Tabuc sa lungsod nitong nakalipas na linggo.

Isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Reynaldo,” na umano’y tagapamahala ng drug den, ang nananatiling pinaghahanap.

Narekober sa buy-bust operation ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kakasuhan sila ng paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165). Ang mga kasong ito ay may kaparusahang habambuhay na pagkakakulong at multa na maaaring umabot sa P10 milyon.

Pinaalalahanan ng PDEA ang publiko na ang pagpapatakbo o pagpapanatili ng drug den, pagbebenta o posesyon ng ipinagbabawal na droga, at paggamit ng drug paraphernalia ay may pinakamabigat na parusa sa ilalim ng batas.

(JESSE RUIZ)

36

Related posts

Leave a Comment