9 KATAO KALABOSO SA CARA Y CRUZ

RIZAL – Kalaboso ang siyam katao matapos mahuli ng mga pulis na nagsusugal ng cara y cruz at nakumpiskahan pa ng umano’y shabu ang tatlo sa mga ito dakong alas-9:30 ng umaga noong Lunes, Hunyo 23, 2025, sa Quirino Street, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Tanay.

Ayon sa natanggap na ulat ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), kinilala ang mga suspek na sina alyas, “Tarse,” “Jayson,” “Dobol,” “Ramon,” “Benjie,” “Jeffrey,” “Third,” “Yunos,” “Ronnie,” at “Arby.”

Ayon kay Maraggun, nakatanggap ng intelligence report ang intelligence personnel ng Tanay Municipal Police Station, na may magaganap na sugalan sa nasabing lugar.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba at naaktuhang nagsusugal ang mga suspek kung kaya inaresto nila ang mga ito.

Sinabi pa ng provincial director, bukod sa nasamsam na mga ginamit sa ilegal na sugal, nakumpiskahan din ng hinihinalang shabu sina alyas “Tarse,” “Jayson,” at “Dobol.”

Nakumpiska sa mga ito ang dalawang pirasong P1.00 barya na ginagamit bilang flip coin; 4 na pirasong P100.00 bilang taya; 12 piraso ng P50.00 bilang taya, 3 pirasong P20.00 bilang taya.

Idinagdag pa ni Maraggun, nahulihan din bilang ebidensya ang tatlo katao ng 3 pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na 3 gramo ang timbang na may street value na P20,000.

Ang siyam na mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling – cara y Cruz) at bilang dagdag ay tatlo sa mga ito ang kakasuhan din ng paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 of 2002.

(NEP CASTILLO)

22

Related posts

Leave a Comment