9 PATAY SA COVID SA CAMANAVA

SIYAM ang naitalang namatay sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela noong Agosto 11, habang umakyat sa 2,858 ang active cases sa nasabing mga lungsod.

Apat ang namatay sa Malabon City kaya’t umakyat na sa 491 ang COVID death toll sa lungsod.  Umabot naman sa 43 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 14,930 na ang positive cases sa lungsod, 708 dito ang active cases.

Habang 36 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Acacia (1), Bayan-bayanan (3), Catmon (6), Concepcion (1), Flores (2), Hulong Duhat (1), Longos (12), Potrero (1), San Agustin (4), Tinajeros (1), at Tugatog (4). Sa kabuuan ay 13,731 ang recovered patients ng Malabon.

Tatlo naman ang iniulat na namatay sa Valenzuela City, at 333 active cases ang nadagdag sa nasabing petsa. Mula 575 noong Agosto 9, umakyat sa 578 noong Agosto 11 ang COVID death toll sa lungsod, at mula 842 noong Agosto 9 ay pumanhik sa 1,175 ang active COVID cases.

Pumalo na sa 23,249 ang mga tinamaan ng COVID sa Valenzuela, at sa nasabing bilang ay 21,496 na ang gumaling. 

Dalawa naman ang binawian ng buhay dahil sa pandemya sa lungsod ng Navotas habang pumanhik sa 395 ang active cases sa fishing capital.  Sumampa naman sa 975 ang active cases sa lungsod matapos na 70 ang magpositibo sa virus habang apat lamang nakarekober.

Tumuntong na sa 12,362 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa bilang na ito ay 10,992 na ang gumaling. (ALAIN AJERO)

101

Related posts

Leave a Comment