96th NCAA Season SAN BEDA TAEKWONDO JRs SUMIPA NG 3 GOLDS

SUMIKWAT ang San Beda ng tatlong gold sa speed ­kicking competition ng taekwondo event junior’s division, ­makalipas ang four-day meet ng 96th NCAA Season nitong Lunes.

Si light middleweight Louell Mamaclay ay wagi ng ginto nang makakulekta ng 6.500 points, habang si John Cris Samson ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ay silver medalist (6.458 points) at napunta kay Javier Dexter Macasaet ng LSGH ang bronze medal (6.383 points).

Hinablot naman ni lightweight Philip Joshua Lee ang gold sa natipong 7.083 points. Tinalo niya ang pambato ng EAC na sina Leigh Cyril Aslarona (6.106) at Aubrey Gacilos (5.942).

Habang si bantamweight ­Ignatius Vicente Lorenzo Pinera ay umiskor ng 6.750 points para sa gold medal, laban kina Lyceum of the Philippines University’s Dirk Ranque (6.483) at Letra’s LeBron James Alemania (6.200).

Sina Reymundo Calamba III at Jian Alden Jose Arceo ay nagbigay ng silver medals sa San Beda sa flyweight at heavyweight category, ayon sa pagkakasunod.

Habang sina welterweight Seth Nathaniel Go at featherweight Marlex Mercado ay nakuntento sa bronze medals.

Nasa likuran ng San Beda na may dalawang ginto ang CSB-LSGH mula kina welterweight Victor Emmanuel Rodriguez at Raphael Ongkiko sa middleweight, at bronze kaloob ni light middleweight Javier Dexter Macasaet.

Sina Letran’s Muke Morel (featherweight), LPU’s John Patrick Moneda (flyweight) at Arellano’s Joshua Lyndon Dionio (heavyweight) ay nagsipagwagi rin ng ginto sa four-day tournament.

Nagsimula naman kahapon (Martes) ang speed kicking competition sa senior’s category (men) at matatapos hanggang Hunyo 29, habang ang women’s division ay Hunyo 30 hanggang Hulyo 5. (VT ROMANO)

241

Related posts

Leave a Comment