NAHAHARAP sa kasong frustrated homicide at administratibo ang isang pulis makaraang ireklamo ng pang-uumbag sa Dasmariñas City, noong Agosto 23.
Ayon sa utos ni P/BGen. Carlito Gaces, Regional Director ng CALABARZON, kay P/Col. Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO), masusing iniimbestigahan ang insidente ng umano’y pananakit ni Patrolman Christian Magwali Cinco, nakatalaga sa Tagaytay Component City Police Station, kay Juan Carlo Pantoja Luzada, 30, ng Barangay Saint Peter-2, Dasmariñas City.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Barangay Hall ng Saint Peter-2 Dasmariñas City kung saan inakusahan umano ng pulis si Luzada ng pananakit sa kapatid ng suspek.
Ilang beses umanong pinalo ng pulis sa ulo ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na matigas na bagay.
Ang pulis ay nasa kustodiya na ng Dasmariñas City Police at haharapin ang kinasasangkutang kaso.
(SIGFRED ADSUARA)
151