ALERT LEVEL 3 NAKATAAS SA BULKANG MAYON

BUNSOD ng pag-alboroto, itinaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ng Phivolcs, nakapagtala ng apat (4) na volcanic earthquakes sa paligid ng bulkan at mabagal na pagdaloy ng lava sa bunganga nito na may habang 3.4 km sa Bonga Gully.

Ayon pa sa Phivolcs, nakapagtala rin 82 rockfall events sa bunganga ng bulkan at 3 pyroclastic density.

Nabatid pa sa ulat, namataan ang panandaliang pamamaga ng bulkan at ang patuloy nitong pag-aalburoto.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer (6 km) radius Permanent Danger Zone (PDZ) malapit sa bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaaring mangyari ang mga sumusunod gaya ng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava at katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan.

(PAOLO SANTOS)

 

250

Related posts

Leave a Comment