CYBER PROBE IKINASA SA SUNOD-SUNOD NA HACKING INCIDENT

SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang napaulat na pag-hack sa official website ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“The Department of Information and Communications Technology (DICT) has been informed of the cybersecurity incident that occurred at the House of Representatives (HOR),” ayon kay DICT Supervising Director for Information and Strategic Communications Division Aries Joseph Hegina.

“We are in constant communication and coordination with the HOR and are currently investigating the extent of the said incident. We shall provide further updates to the public as soon as they become available,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, na-hack ang official website ng House of Representatives kahapon, na may mga sumusunod na mensahe sa homepage nito.

Nakasaad rito ang mensaheng, “Na-hack ka. Have a nice day,” na may caricature ng isang tumatawang meme.

Hindi na ma-access ang website sa ngayon matapos ang hacking incident na pinangunahan ng grupong 3MUSKETEERZ (three musketeers).

Agad naman itong kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco, at sinabing nagsagawa na sila ng mga agarang hakbang upang matugunan ang isyu.

Nakikipagtulungan na rin ang Kongreso sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at iba pang ahensya.

Ayon kay Velasco, walang ninakaw na impormasyon ang hackers kundi binaboy lang ang website.

“Walang nakuhang informations, binaboy lang,” ani Velasco sa isang panayam. Ang website ay naglalaman lamang ng mga impormasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng mga mambabatas at mga panukala at ipinasang mga batas.

Lahat ng larawan na naka-post sa website ng Kamara ay pinalitan ng drawing ng isang payaso na karaniwang ginagamit umano ng mga hacker.

Habang isinusulat ito ay patuloy pang inaayos ng IT personnel ang website ng Kamara.

Kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na biniktima ng mga hacker ang Department of Science and Technology (DOST), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Statistic Authority (PSA).

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

218

Related posts

Leave a Comment