‘NGIPIN’ NG POEA SA RECRUITMENT AGENCIES, OFWs GUSTONG ALISIN

poea12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAWAWALAN ng papel ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at maging ang mga recruitment agencies kapag lumusot ang isang panukalang batas sa Kamara na naglalayong madaliin ang pag-alis ng mga Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Sa House  Bill  (HB) 8842 o  Filipino Global Employment Act na iniakda niHouse Committee on Overseas Workers’  Affairs chair Jesulito Manalo, nais nito na hindi na dadaan sa mahigpit na proseso ng POEA at recruitment agencies ang mga  professionals at highly-skilled Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa.

“Because of unnecessary government regulations that are no longer pertinent to the global economy, their right to liberty to seek better employment is violated,” ani Manalo sa kanyang panukala.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil bagama’t tumataas umano ang remittances ng mga OFWs ay pakonti ng pakonti umano ang bilang ng mga ito dahil sa tinatawag nitong “excessive regulatory controls” ng POEA sa mga Filipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa.

“This is why the government must make sure that the deployment of OFWs, especially professionals and highly-skilled, must not be hampered nor delayed,” ayon sa mambabatas.

Sa ngayon aniya ay nakakapag-apply na ang mga tao ng trabaho sa ibang bansa sa online dahil sa makabagong teknolohiya subalit dahil sa mahigpit na regulasyon umano ng POEA ay hindi agad nakakaalis ang mga ito.

Ang tanging kailangan umano ng mga Filipino kapag naging batas ang panukalang ito ay travel document tulad ng passporte, National Bureau Investigation (NBI) clearance, birth certificate, Bureau of Immigration requirement  at hindi na dadaanan sa mga recruitment agencies at kumuha ng  Overseas Employment Certificate (OEC) na nagpapa-delay sa kanilang pag-alis.

Ang tanging papel na lamang ng POEA sakaling maging batas ang panukalang ito ay pagdokumento sa mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Magiging voluntary na lamang ang membership ng mga OFWs  sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), PAG-IBIG Fund , Social Security System (SSS) at Philhealth.

 

262

Related posts

Leave a Comment