KABUUANG 37 koponan (20 men’s at 17 women’s) ang mag-aagawan sa titulo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup simula sa Lunes (Nobyembre 6) sa Rizal Memorial Coliseum.
“Ito ang pinakamalaking local volleyball tournament na makakatulong sa pag-highlight ng season-long activities ng federation. At sa napakalaking turnout, magkakaroon tayo ng dose-dosenang mga laban sa halos tatlong linggong kompetisyon,” sabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara.
Gaganapin ang Challenge Cup eliminations mula Nobyembre 6 hanggang 9 at 13 hanggang 19; quarterfinals sa Nobyembre 20 para sa men’s at 21 para sa women’s; habang ang semifinals sa Nobyembre 22; at finals sa Nobyembre 23.
Ayon kay Suzara, sa dami ng kasaling teams, ang volleyball ay masasabing No. 2 team sports na sa bansa pagkatapos ng basketball.
(Ann Encarnacion)
273