POSIBLENG sa susunod na linggo ay maaprubahan na ng Senado sa ikalawa, ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang 2024 General Appropriations Bill o ang national budget.
Sinabi ni Angara na target nilang tapusin ngayong araw ang deliberasyon sa panukalang budget ng labing-anim na natitira pang ahensya ng gobyerno.
Tumatanggap na rin anya sila ng mga amendments mula sa mga senador upang matapos na nila ang approval ng budget sa Lunes.
Ipinaalala ng senador na urgent bill ang panukalang pondo kaya’t maaari nila itong aprubahan sa 2nd at 3rd and final reading sa loob ng isang araw.
Matapos ito ay agad na magsasagawa ng bicameral conference committee meeting ang Kamara at Senado upang maisumite sa Pangulo ang panukalang pondo sa una o hanggang ikalawang linggo ng Disyembre.
Nanindigan naman si Angara na regular ang pagsunod nila sa kanilang schedule ng pagtalakay at approval ng budget dahil nakasaad naman ito sa kanilang legislative calendar.
(Dang Samson-Garcia)
288