QUEZON – Patay ang isang lalaking lasing nang malunod sa beach resort sa Brgy. San Isidro, sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Rodolfo Abrecillo Hernandez, 55-anyos.
Ayon sa report, nag-overnight outing ang biktima kasama ang mga kaibigan sa resort at halos magdamag na nag-inuman.
Dakong alas-3:00 ng madaling araw, nagpasya ang biktima na maligo sa dagat subalit makaraan ang ilang minuto ay hindi na ito lumutang.
Agad itong hinanap ng mga kasama hanggang natagpuang nakalutang at walang malay dakong alas-3:40 na ng madaling araw.
Isinugod agad ito sa Bondoc Peninsula District Hospital sa bayan ng Catanauan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.
(NILOU DEL CARMEN)
206