PUNA ni JOEL O. AMONGO
NAKAPAGTALA ng mataas na kaso ng COVID-19 cases ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa nakaraang linggo kaya pinaalalahanan ang mga residente nito.
Bunsod nito, naglabas ang QC government ng red alert status sa kanilang COVID-19 early warning system.
Ang daily average cases para sa linggo mula December 4 – 7 ay 27 cases na 57.9% mas mataas sa nakaraang linggong average.
Samantala, ang average positivity rate based on tests na isinagawa ay 14.55%.
Karagdagan nito, ang average daily attack rate per 100,000 population ay .85 at ang forecasted reproduction number ay 1.
Noong Hunyo 2022, ang QC Epidemiology and Surveillance Unit (QCESU) ay nakaisip na magkaroon ng early warning system ‘to monitor cases, analyze trends, and recommend necessary measures to prevent outbreak.’
Base sa parameters ng nasabing system at sa kasalukuyang COVID-19 data, ang red alert status sa kasalukuyang ay tumaas, mula sa rate ng paglago ay umabot ng 50% at ang average positivity rate ay lampas na sa 5.
Iniuugnay ni QCESU chief, Dr. Rolando Cruz ang pagtaas ng mga kaso sa pagtitipon-tipon at mga party ngayong Kapaskuhan at pagiging maluwag sa COVID restrictions tulad ng pagsusuot ng masks.
“We have seen in the past years during the height of the pandemic that holiday seasons really attract more cases. Since the chilly weather can also affect the immunity of our people, we would like to remind our QCitizens to remain vigilant especially for COVID-like symptoms such as cough, colds, and fever,” ani Dr. Cruz.
Dahil dito, hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang QCitizens na ipatupad ang personal precautionary measures tulad ng pagsusuot ng masks sa public places at pananatili sa loob ng bahay habang may mga sintomas.
“These are basic precautionary measures that we have been doing for the past years. It is important that we continue implementing this for our safety especially now that cases are rising,” ani Mayor Belmonte.
Batay sa ulat, as of December 7, nakapagtala ng 186 active COVID-19 cases sa Quezon City.
Hindi lang dapat ang mga residente ng QC ang maging maingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, kundi maging sa lahat ng dako ng bansa para hindi tumaas ang mga kaso ng COVID-19.
Lalo na ngayong Kapaskuhan na maraming pagtitipon ang magaganap, dapat maging maingat.
oOo
Para sa sumbong, mag-email sa joel2amogo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
