KANSELADO na ang pasaporte ni dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr.
Kinumpirma ito ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano kahapon.
Aniya, nag-lapse ng 15 araw ang desisyon ng hukuman na kinakansela ang pasaporte ni Teves.
Dahil dito, hiniling ng DOJ sa Timor-Leste na ipa-deport ang dating kongresista sa Pilipinas para harapin ang mga kasong murder na inihain laban dito sa Regional Trial Court.
Samantala, inihayag ni Clavano na handang makipagtulungan ang pamahalaan ng Timor-Leste sa deportasyon ni Teves lalo na kung may request na mula sa Pilipinas.
Si Teves ay nahaharap sa kasong murder dahil sa umano’y pagiging utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
(JULIET PACOT)
365