Patutsada ng kapwa kongresista ALVAREZ PRO-CHINA

KINUKUYOG ngayon ng kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez matapos itong managawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-resign at ilipat ang kapangyarihan kay Vice President Sara Duterte upang maresolba ang problema sa West Philippine Sea (WPS).

Sa press conference kahapon, ipinaalala ni House deputy majority leader Janette Garin sa dating House Speaker na ang tanging paraan para matanggal ang Pangulo sa kapangyarihan ay sa pamamagitan ng impeachment o kaya ang taumbayan (sa pamamagitan ng people power) at hindi sa iisang tao lamang.

“Its not fair for one person to call on the president to resign specifically if we cannot pinpoint the specific lapses. Meron yan proseso, meron tayong ang impeachment process, nandyan lahat. That exercise can be resorted to by our former Speaker,” ani Garin.

“Former Speaker (Pantaleon) Alvarez’s remarks are not only defeatist but dangerously naive. To suggest that President Marcos Jr. should resign in the face of aggression is to misunderstand the very essence of leadership and national sovereignty,” ayon naman kay TINGOG party-list Rep. Jude Acidre.

Ayon sa mambabatas, walang ibang makikinabang sa panawagan ni Alvarez kay Marcos kundi ang China.

Sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ipinakita lamang ni Alvarez na siya ay pro-China at mistulang walang pakialam sa teritoryo ng Pilipinas na kanyang sinumpaang ipagtatanggol at idedepensa.

“We must question the motives behind such statements and recognize them for what they are: political strategies, not genuine concern for national welfare,” dagdag pa ni Adiong.

Noong Miyerkoles Santo ay hinamon ni Alvarez si Marcos Jr., na magresign dahil sa lumalalang tensyon sa WPS kung saan naniniwala ito na kapag ipinasa ang kapangyarihan kay VP Duterte ay mareresolba ang problema.

(BERNARD TAGUINOD)

212

Related posts

Leave a Comment