PINOY SA LIBYA AYAW UMUWI DAHIL SA DELAYED NA SAHOD

libya120

(NI ROSE PULGAR)

DELAYED na suweldo ang nagiging dahilan ng ilang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya  kung bakit ayaw pa nilang umuwi ng Pilipinas sa kabila na itinaas  sa Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon at pilit nang pinauuwi ang mga ito dahil sa tuminding kaguluhan sa nabanggit na bansa.

“Nagsusuweldo sila (OFWs) pero dahil may mga restrictions sa remittance hindi nila naipadadala ang kanilang mga pera. Marami-rami ang nagsasabing gusto nilang umuwi pero uuwi lang sila ‘pag nabayaran na sila,”  pahayag ni  Philippine Ambassador Elmer Cato.

Sinabi ni Cato na sa kabila ng lumalalang kaguluhan sa Libya, nasa 40 Pinoy lamang ang nag-avail ng government’s repatriation program.

“Nakaka-frustrate din because despite our efforts to convince them na kailangan umuwi dahil napo-project nating lalala iyung sitwasyon, hindi naman natin mapilit at ini-explain nila kung bakit. Iyung mga pamilya nila d’yan ang main reason,” pahayag pa ni Cato.

Base sa report, nasa 345 nang katao ang nasawi at nasa 1,652  ang sugatan sa tumitinding  kaguluhan o factional fighting sa capital city ng Tripoli dahil sa civil war na nagsimula pa noong Abril 4

Dalawang Pinoy din ang nasugatan nang tamaan ang mga ito shrapnel nang sumabog na mortar at  mabuti na lamang ay hindi napuruhan ang mga ito.

 

264

Related posts

Leave a Comment