(NI HARVEY PEREZ)
TATAPUSIN ngayong Mayo 7 ng Commission on Elections (Comelec), ang pagdedeliver ng mga balota na gagamitin sa May 13 midterm elections.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na makukumpleto na ang paghahanda ng Comelec sa halalan.
Ayon kay Jimenez, tapos na nilang i-deliver ang mga balota sa lahat ng rehiyon nitong mga nakalipas na araw at tanging ang mga balota na lamang para sa halalan sa National Capital Region (NCR) ang kasalukuyang idinedeliber.
“Sa lahat ng regions, tapos na. I think tinatapos na today and tomorrow ‘yung NCR,” ayon kay Jimenez.
Umaarangkada na rin ngayon ang final testing at sealing (FTS) ng mga vote counting machines (VCMs) sa buong bansa na siyang huling hakbang na dapat isagawa bago tuluyang maisagawa ang halalan.
Nabatid na ang FTS ay ang ‘end-to-end test’ ng proseso mula sa umpisa sa mga VCMs hanggang sa pagboto, gayundin sa pag-imprenta ng election returns (ERs).
139